Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominguez nganga sa POGO quota

0 212

Nag-uumpisa nang lumayas sa bansa ang mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dahil na rin sa paghihigpit ng China sa operasyon ng mga money transfer company.

“Last night, I got a call from one of the owners of a building in Makati, who is saying that his POGO and POGO service provider clients have started cancelling their lease contracts for lack of business,” pahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez sa Senado.

Hindi mabigyan ni Dominguez ng kuwenta ang Senate committee on finance kung magkano ang maaasahang buwis mula sa mga POGO dahil muling inaral ito ng kanyang tanggapan nang malaman ang bagong development.

“We are at the moment doing our due diligence and making the estimates,” sabi ni Dominguez.

Sinisi niya sa paghihigpit ng China sa mga money transfer company ang pag-alis ng mga POGO.

“I think the Chinese government is clamping down on money transfer companies,” ani Dominguez. “I think the Chinese government has also started cancelling the passports of those people servicing the pogo industry.” (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.