Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominguez sinalo si Dar sa imported pork, tapyas buwis

0 272

Inako ni Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III ang desisyon sa pagbaba ng taripa sa baboy at sa pagpapapasok ng 350,000 toneladang imported pork sa ilalim ng minimum access volume.

Sumulat si Dominguez kay Senate President Vicente Sotto III para sabihing kukunin niya ang responsibilidad sa pagrerekomenda at pagpapapirma kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Executive Order No. 128, na pinababawi ng Senado dahil papatayin nito ang hog industry.

Si Dominguez ay naging agriculture secretary ng yumaong si Pangulong Cory Aquino at naging tauhan si Agriculture Secretary William Dar at National Economic and Development Authority (NEDA) OIC Karl Kendrick Chua na nagsulong sa rekomendasyon ng Tariff Commission na ibaba ang taripa ng baboy.

SM food to go Banner Ad

Ang Tariff Commission ay nasa ilalim ng NEDA at si Chua ay dating undersecretary ni Dominguez.

Tungkulin ng DOF na siguruhing may pangtustos ang pamahalaan sa gastusin. Sa pagpapababa ng taripa ng baboy, mababawasan ang koleksyon ng pamahalaan na nangangailangan ng malaking halaga ngayon para malabanan ang epekto ng pandemya.

Iginiit ni Dominguez na 100 milyong Pilipino ang makikinabang sa pagbaba ng taripa ng baboy. Sa 110 milyong Pilipino, 17.7 milyon ang lubos nang naghihikahos o naghihirap o ang tinatawag na living in poverty. Hindi pa kasama sa bilangang na ito ang mga nabubuhay na isang kahig, isang tuka o ang tinatawag na subsistence. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.