Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominguez tinakot mga PhilHealth, SSS member

0 177

Hindi pabor si Finance Secretary Carlos Dominguez III sa pag-postpone sa mas mataas na kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ayon sa kalihim posibleng maapektuhan nito ang mga dagdag benepisyo ng mga Pilipino kaya naman banta niya na kapag hindi dadagdagan ang binabayad na premium, bababa din ang kanilang makukuha.

“Really, now you want to put in less, then you take out less. That’s just the story,” aniya “You want to be insured? You want a higher pay out, you put in more. There’s no other way to do it sustainably.”

Sabi ni Dominguez, sa negosyo ng insurance, hindi nakukuha ng mga nagpainsure ang karagdagang benepisyo paghindi nila dinadagdagan ang kanilang premium.

Nang tanungin naman hinggil sa lumalaking utang ng PhilHealth, sagot ng kalihim, “I don’t know.” Dagdag niya, “We are working hard to make sure there’s enough money for it.”

Pikon si Dominguez sa ilan sa private sector na humihirit na ayaw nilang bayaran ang karagdagang premium na sisingilin ng PhilHealth dahil hindi pa naayos ang korapsyon sa ahensiya at wala pang napanananagot sa P15 bilyong pondong nawala diumano sa kakakurakot.

Ganito rin ang kanyang komento sa panawagan para pigilan ang mataas na kontribusyon ng ng mga Social Security System (SSS) member.

Matatandaang matapos ang mga panawagan, pinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang suspensyon sa paniningil ng mas mataas na premium ng mga PhilHealth member dahil sa nararanasang pandemya. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.