Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominguez: Utang ng gobyerno P1.46T na

0 272

Umaabot na sa P1.46 trilyon ang inutang ng administrasyong Duterte ngayong taon para sa pangtustos nito ng mga gastusin dahil sa pagbagsak ng koleksyon sa buwis bunga ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, P1.2 trilyon ang inutang nila sa mga local bank at investor, at $5.3 bilyon ang hiniram naman sa mga foreign lender kasama dito ang World Bank at Asian Development Bank.

Habang bagsak aniya ng 16% ang koleksyon sa buwis kumpara sa nakaraang taon, tumaas naman ang gastusin para matugunan ang krisis na dulot ng COVID-19.

Nagpahiwatig si Dominguez na maaaring umutang pa ang gobyerno dahil may kapasidad naman ang bansa na mangutang. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.