Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominic inawat na buntisin si Bea

0 266

NI: Archie Liao

Viral ang live selling video ni Ryan Agoncillo ng food business nila ng misis na si Judy Ann Santos.

Nakaugalian na kasi ng mag-asawa na i-feature ang kanilang live selling sa kanilang Facebook page .

Sa nasabing video, nag-guest ng magkapatid na sina Dominic at Anthony Roque.

Makikitang nagbigay ng shoutout si Anthony sa kanyang misis na si Marian Roque at sa kanilang unica hija na si Claudia.

Sumimple naman si Ryan at ipinagpaalam ang brother ni Dom sa mag-ina nito.

“Baby Claudia and Marian, good morning! Hiramin muna namin si Daddy Mark ah,” hirit ni Ryan.

Habang nakikipagtsikahan si Anthony kay Ryan, nakikipag-Face time naman si Dom sa kanyang pamangkin.

SM food to go Banner Ad

Hindi naman napigilang mapa-react ni Ryan sa fondness ng Roque brothers sa ‘baby.’

“Alam niyo, ‘tong Roque brothers, sobrang hilig talaga nila sa mga bata,” pasakalye ni Ryan.

Ganting sagot naman ni Dominic: “Gusto ko na nga rin eh.”

Inawat naman siya ni Ryan ng ‘hoy teka muna’.

Dahil sa naging komentong ito ni Dominic, hindi mapigilang mag-react ng kibitzers.

Anila, sabik na raw si Dom na anakan ang girlfriend na si Bea Alonzo.

Sey naman ng iba, suportado nila si Dom dahil nasa edad na raw naman ito kung magdedesisyon itong bumuo na ng sariling pamilya.

Opinyon naman ng iba, sigurado raw na guwapo o kayaý maganda ang ‘baby’ ng dalawa lalo pa’t pareho namang mahitsura ang magdyowa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.