Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominic inintriga sa regalo

0 225

NI: Archie Liao

Iniintriga ngayon sina Gerald Anderson at Dominic Roque, ang past at present boyfriends ng Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Noong kasing Christmas, join si Gerald sa gift-giving activity ng pamilya Barretto na nai-feature sa vlog ni Marjorie.

Katunayan, nagpabongga rin ang Kapamilya actor dahil bukod kay Julia ay may regalo rin siya sa members ng Barretto family.

Halos speechless naman si Julia sa naging regalo sa kanya ng boyfie.

Maging ang little sister ni Julia na si Erich ay sobrang pinasaya ni Ge dahil binigyan niya ito ng “Hello Kitty” doll na nasa wish list ng bata.

SM SuperKidsDay Banner Ad

May eksena pa na karga-karga ni Ge ang bunsong kapatid ng kanyang nobya.

Hirit tuloy ng kibitzers, sinusuyo na raw ng actor ang future in-laws nito.

Meanwhile, sa Christmas celebration naman ni Bea Alonzo na ginanap sa kanyang farm sa BeatiFirma, nandoon naman ang boyfie niyang si Dominic Roque.

Pero maliban sa bonding sa ina at pamilya ni Bea, wala umanong “pasabog” na gifts si Dom para sa mga ito. (Baka naman ‘di lang pinakita-ED).

Intriga tuloy ng ilang nang-iintriga, mas galante at thoughtful daw na son-in law kung sakali si Gerald kumpara kay Dominic.

Leave A Reply

Your email address will not be published.