Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominic join sa Europe ni Bea

0 1,112

NI: ARCHIE LIAO
Sa vlog niya, inamin ni Bea Alonzo na sobra niyang na-miss ang pag-travel na naudlot dahil sa pandemya.

Katunayan, nang ilatag niya ang top 10 travel destinations, sinabi niya na gusto niyang bumalik sa ilan sa mga lugar na napuntahan na niya.

Isa sa mga tumatak kay Bea ay ang Prague sa Hungary.

Ayon sa actress, hopefully after the pandemic, makabalik siya sa nasabing unique European country na kasama na ang kanyang special someone.

Timing naman ang ipinost ni Dominic Roque na throwback photo niya sa nasabing bansa.

SM food to go Banner Ad

May caption itong: “May kasama na ba ko next time? ”

Nag-react naman ang ilang followers niya sa kanyang Instagram post.

Ani Christianacollings:”Utang na loob, ipack-up mo na ang third wheel. Hahaha! ”

“Parang napanood ko sa vlog ng isang actress-ahem-na gusto niyang bumalik sa Prague na may kasama rin, “sey ni noringal.

Hirit naman ni mikbey_couple:”Yes. 100 percent sabi ni @bea alonzo kapag bumalik siya diyan,dapat kasama na yung special someone at alam namin na ikaw na yun, @dominicroque. “

Leave A Reply

Your email address will not be published.