Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominic ‘mamumulubi’ kay Bea

0 635

Natanong si Bea Alonzo noong presscon ng Beautederm kung paano pag nag-propose ang kanyang boyfriend na si Dominic Roque.

Sagot ng aktres,” tatanggi pa ba ako?Siyempre, ‘yes’ ang isasagot ko.”

Sabi ng basher ni Bea, nagpaparinig umano siya sa boyfriend .

Puwede raw naman sabihin nito na ” we’ll see or I’d cross the bridge when I get there”

Hindi man lang daw nito hinintay na tanungin siya ni Dom.

Espekulasyon naman ng iba, “malamang nag-propose na di lang puwedeng ireveal kasi may kontrata pa si Bea”

Reaksyon naman ng ilang netizen:

“Dapat quiet ka lang wag mo pangunahan.”

Pinagtatalunan naman ng mga Marites kung sino ang maghahanap-buhay kapag ikinasal na ang celebrity couple

“Dom seems like a good man who loves not just Bea but her family. In God’s proper time. She deserves to be happy with a man who truly loves her and will remain faithful to her and Dom seems to be that.”

“Masyadong maaga para sabihin yan. Kung mahal nya si Bea e gagawin nya lahat para maging karapat-dapat ke Bea. Hindi ‘yung si Bea pa ang magiging bread winner pag nagkataon.”

May nangi-intriga rin na baka ‘mamulubi’ umano ang aktor sa girlfriend. Tila high maintenance diumano ang aktres.

Pero sa true lang, hindi naman isyu sa magkarelasyon kung sino ang mapera. Ang importante ay magtulungan sila para sa ikabubuhay nila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.