Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominic nag-‘I Love You’, nanggigil sa alindog ni Bea

0 78

Bukod sa mga Instagram story nina Bea Alonzo at Dominic Roque na nagpapatunay na enjoy silang magkasama, tulad sa mga lugar na ‘Lovers Point Beach’, ‘Carmel by the Sea’ at kung ano-ano pa, ang talagang nagpakilig nang husto sa mga fan nila ay ang komento ni Dominic sa photo ni Bea.

Sa sobrang ganda ni Bea sa photo na nasa dagat siya, at labas ang cleavage, legs, at may bitbit na bag, at lutang na lutang ang kagandahan at kaseksihan, hindi talaga napigilan ni Dominic ang magkomento.

“I*y,” sabi ni Dominic.

Na para sa mga fan, ang I * (asterisk) y ay ‘I Love You’ at naging hudyat para magkagulo ang mga fan.

Habang sinusulat ito, umabot na sa halos 700 ang komento sa mensaheng `yon pa lang. Bukod pa ang mga tunay na mensahe na umabot sa 3,500, at like na kulang-kulang sa kalahating milyon.

Ang wish lang ng mga fan, at medyo pressure sa part ni Bea ay ang pagpilit sa kanya ng mga tagahanga nila na mag-reply naman sa komento na `yon ni Dominic.

“Mag-I love you too ka naman Bea!” sabi ng fan.

“Ay, asan na ang I Love You too ni Bea? Bakit ang tagal?” say ni Dooday.

“Kinilig ako noong makita ko ang comment ni Dom,” hirit ni Annee.

“Ay sa wakas naman may I Love You na,” sey ni Andrea.

“Kinilig ako sa inyo. Sana forever na kayong dalawa. Kumota na ng heartache si Bea kaya sana forever na si Dom,” saad ni Legaspi.

SM food to go Banner Ad

“Si Dominic lang sakalam, hindi napigilan na mag-I Love You kay Bea,” chika naman ni Nik.

“Jusko kayo na lang talaga ni poging Dominic. Kahit nasa 30s na mukhang bagets pa rin si Bea. Mukhang mabango si Dom. Hindi gaya ni Gerald Anderson!” sabi pa ni Anj.

Well…

Alan, Jim bet ang cybersex

Naaliw ako sa mga sagot ng mga beteranong aktor na sina Alan Paule, Jim Pebangco sa presscon ng ‘Lockdown’ ni Direk Joel Lamangan, sa tanong na magagawa ba nilang pasukin ang ‘cybersex’ kung sakaling mangyari sa kanila ang nangyari sa pelikulang ‘Lockdown’ na may pandemya, nawalan ng trabaho, nagutom ang pamilya.

“Why not? Wala ka namang inaagrabyadong tao. Katawan mo naman `yon. Kung bata-bata lang ako, at nasa ganung sitwasyon ako, gagawin ko rin `yon,” natatawang chika ni Alan.

“For as long as wala kang tinatapakang tao. Hindi ka naman nakikiapid, di ba? Kumbaga, video call lang naman `yon. Pinapanood ka lang naman nila. So, kung bata-bata rin ako, gagawin ko rin yan. Hahahaha!” natatawang sabi naman ni Jim.

Well, usong-uso nga kasi ngayon sa mga baguhang artista, o kalalakihan, na dahil nawalan sila ng raket, sumabak sila sa ganung industriya, ang ‘video call (*vidjakol) para maka-survive sa kahirapan.

Siyanga pala, nakakaloka ang teaser ng ‘Lockdown’ dahil punong-puno ng ‘hadahan’ at ‘bayasan’, ha! Nagpaulan din ng nota ang mga baguhang artista sa pelikula.

Kaya naloka ang mga imbitadong female editors/reporters dahil sa mga eksena. Hindi nila ini-expect na makakapanood sila ng mga ganung eksena.

Kaloka! Hahahaha!

Leave A Reply

Your email address will not be published.