Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dominic niligwak ang KathNiel

0 336

NI: ARCHIE LIAO

Iniintriga pa rin hanggang ngayon sina Daniel Padilla at Dominic Roque na umanoý hindi na raw maibabalik sa dati ang pagkakaibigan.

Nagsimula kasi ang balita nang pumutok ang tsika na in-unfollow nila ang isa’t-isa sa kanilang respective Instagram accounts.

May mga lumabas pa ngang balita na naimbudo raw si DJ kay Dom dahil sa pagpapaasa diumano nito sa sister niya na later on ay hindi naman nakumpirma.

May source namang nagsasabing sadyang in-unfollow ni Dominic si Daniel dahil tumiwalag na ito sa KathNiel.

Noong kasing miyembro pa raw ito ng “Nguya Squad” kasama ang KathNiel at ang mga kaibigan nitong sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, Patrick Sugui at Ariel Garcia at Joe Vargas at Bianca Yanga, naiinggit daw ito dahil siya lamang ang single sa grupo.

Iyong iba kasing single na member ay late na lang pumasok sa kanilang squad.

Anila, na-insecure raw ito at feeling na-out of place sa kanyang dating circle of friends dahil may kanya-kanyang dyowa ang mga miyembro nito.

Kung dati nga namang siya ang tinaguriang pambansang third wheel, nabago na raw ang lahat ng ito ngayon. Natagpuan na niya ang kanyang inspirasyon sa katauhan ni Bea.

Dahil may dyowa na rin daw ito, gusto raw nitong ibuhos ang kanyang oras sa Kapuso actress.

At dahil wala pang isang taon ang kanilang opisyal na relasyon, gusto raw nitong solohin ang aktres. Bet niyang sulitin ang bawat sandali kapiling ang kanyang nobya.

Kumbaga, ngayon lang daw bumabawi si Dom . Matatandaang nabanggit niya noon sa isang panayam na marami rin siyang heartaches na pinagdaanan sa kanyang lovelife.

For sure, this year, hindi na magiging malamig ang kanyang Pasko dahil may babae na siyang kayakap na magpapasaya sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.