Abante Tonite Interactive

Dominique Cojuangco magna cum laude

430

Proud na ibinandera ni Gretchen Barretto ang diploma ng anak na si Dominique Cojuango. Makikita rito na nagtapos ito ng Magna Cum Laude sa kursong Associate of Arts Merchandising and Marketing sa Fashion Institute of Design and Marketing sa San Francisco, California.

Maikli at simple lang ang caption ni Greta na “my baby love” pero feel na feel ng mga netizen kung gaano siya ka-proud na ina. Dumagsa rin ang pagbati ng mga kaibigan and followers sa comments section.

Noon pa naman talaga ay puro papuri na talaga ang naririnig namin mula sa mga netizen tungkol kay Dominique. Pinupuri nila noon pa ang pagiging smart, disente at wel-bred ng unica hija ni Greta.

Jennylyn-Dennis malabo pa ang kasalan

Sa panahon ngayon na marami nang nae-engage at nag-aasawa na ang latest nga ay si Alex Gonzaga, tinanong namin si Jennylyn Mercado kung wala pa bang engagement or proposal na nagaganap sa kanila ni Dennis Trillo.

“Hindi pa pwede,” sagot ng Kapuso Ultimate Star nang makatsikahan namin kahapon.

“Ayoko munang pag-usapan. Tapusin ko muna ‘yung commitments ko,” sey niya.

Biniro nga namin siya na baka naman ‘yun ang pasabog sa CoLove Live Concert nila sa Feb. 15 at sey nga niya ay hindi pa raw talaga pwede lalo’t kapipirma lang niya ng bagong kontrata sa Kapuso.

Siyempre, work muna ang priority sa ngayon at ang kanyang anak na si Jazz.

At dahil nga nalalapit na ang Valentine’s Day ay tinanong namin si Jen kung saan nila ito ise-celebrate ni Dennis.

“Wala, rehearsal (para sa CoLove Live concert), kasi ayokong lumabas kasi baka magkasakit ako. Natatakot ako, eh. Tapos pagdating sa concert, bigla akong may virus, hindi ako makakanta, may ubo, sipon. Mabuting sa buong Feb ay kalma lang.”

Pati nga raw diet niya ay sobrang bantay din ngayon at puro healthy foods lang ang kinakain niya. Mahirap na raw magkasakit ngayon since papalapit na nga ang concert na gaganapin sa New Frontier Theater.