Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Don Ramon ‘di perpektong ama- Bong

0 474

NI: ROLDAN CASTRO

Isiniwalat ni Sen. Bong Revilla sa kanyang Facebook live kung ano ang mga huling sinabi niya sa yumaong ama (Ramon Revilla Sr.).

“Sabi ko nga sa aking ama nun’g bago siya pumanaw, few minutes before, sabi ko, ‘daddy, it’s time for you to go. Mission accomplished ka na, nagawa mo na ang lahat para sa amin, para sa aming mga magkakapatid, napagsilbihan mo rin ang bayan, nagawa mo rin lahat ang gusto mong gawin, kaya it’s time for you to go home, I’ll just see you in heaven.’

“’Yun ‘yung mga huling kataga ko nabitawan sa kanya. Painful pero (ganu’n) talaga, eh. Mabigat,” deklara ni Sen. Bong.

Pumanaw ang tinaguriang Hari ng Agimat noong June 26.

Hindi pa rin makapaniwala ang poging Senador na patay na si Don Ramon.

“Masakit talaga. Pero kailangan nating matatag. Pero kayo po ang nagbibigay ng lakas ng loob sa amin. Masakit mawalan ng ama. Ulila na po (kaming) lubos dahil wala na rin ang aking mommy, pero ganyan talaga, sabi nga, ang bawat tao, may kanya-kanyang oras, may kanya-kanyang panahon. Lahat tayo, doon tutungo. It’s just a matter of kung ano ang mga maiiwan mo na legacy o karangalan dito sa ating kinalalagyan,” lahad niya.

Sey pa niya, maaaring hindi perpektong ama si Don Ramon pero mabuting tao at may puso. Lahat silang magkakapatid ay hinaplos niya ng pagmamahal at disiplina.

May tribute din siya sa Hari ng Agimat.Pinapalabas ngayon ang mga lumang pelikula ni Don Ramon sa kanyang Facebook Page.

Leave A Reply

Your email address will not be published.