Abante Tonite Interactive

Donaire at misis ‘minumulto’ ni Frampton

By
2,703

Kahit anong oras, kahit saan, nakikita ni Nonito Donaire, Jr at ng kanyang misis na si Rachel si Carl Frampton.

“The key factor in this fight is that my wife and I feel that we’re married to Carl because we wake up, we see Carl; we sleep, we see Carl; everything we do we see Carl, so that’s pretty much what it’s all about,” bida kahapon ng tinaguriang ‘The Filipino Flash’ sa final presser ng laban nila ni Frampton ngayong Sabado, Abril 21, sa Belfast, Ireland.

Basagan ng panga sa loob ng 12 rounds sina Frampton (24-1, 14 KOs) at Donaire (38-4, 24 KOs). Ang mana­naig ay magiging mandatory challenger ni WBO feather­weight Champion Oscar Valdez, nagpapa­galing pa sa injury sapul nang unanimous decision win niya kontra Scott Quigg noong March 10.

Kumpiyansa si Donaire, 35, na papahiyain niya ang hometown bet na si Frampton, 31.

“I think I’m a smarter fighter than I was in 2012. With the ups and downs that I’ve experienced in my career, I’ve learned what I’m capable of and where my mind is. We’re very confident going into this fight,” panapos nito. (Ferdz Delos Santos)