Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Donaire, Casimero tatargetin 3 korona

0 95

Isa kina World Boxing Council bantamweight king Nonito Donaire Jr. at World Boxing Organization bantam champion John Riel Casimero ang may tsansang maging undisputed champ bago matapos ang taon pagkaraan nilang magpang-abot sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California sa parating na August 14.

Ang mananalo sa all-Pinoy fight taya ang kanilang mga korona ang makikipagtuos pagkaraan kay World Boxing Association at International Boxing Federation bantam ruler Naoya Inoue ng Japan sa ihahayag pang petsa’t lugar.

Nagpahayag naman ang Japanese boxer nang pagkakumpiyansa sinuman ang makaumbagan kina Donaire at Casimero

SM food to go Banner Ad

“I could wait. I don’t have a problem waiting,” ani Inoue Miyerkoles. “To prove that I’m the best in the bantamweights, I have to get all four belts and it’s making a progress towards that goal so I look forward to it.”

Para kay Donaire, mahalaga laban kay Casimero dahil nais niyang makarebanse kay Inoue na tumalo sa kanya sa kontrobersiyal na unanimous decision noong 2019. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.