Abante Tonite Interactive

Donaire haharap sa ‘halimaw’

396

“Monster” ang haharapin ni Nonito Donaire sa finals ng World Boxing Super Series.

Dalawang round lang ang kinailangan ni Naoya “Monster” Inoue para pabagsakin si Emmanuel Rodriguez sa semis sa Glasgow, Scotland (Linggo sa Pilipinas).

Isang left hook ang nagpahilo sa Puerto Rican na si Rodriguez, tapos ay sinundan ng matinding upak sa bodega dahilan para mamilipit sa sakit ang kalaban ng Hapon at tinigil na ng referee ang pasakit sa 1:19 mark sa second round.

Sa knockout win, ito na ang ika-16 na pagpapabagsak ni Inoue sa huling 18 na laban, at sunod na target ay ang “The Filipino Flash”.

“He was incredible, he did what he had to do,” ayon kay Donaire, na nasa sideline sa pagdemolis ni Inoue, sa panayam ng Skysports.

“This is what we’ve been waiting for. We’ve always felt we were going to meet each other, it’s destiny. This is what boxing is about, the best fighting the best. He’s the monster and that’s something to figure out.”

Magaganap ang upakan ng dalawa ngayong taon, ang gantimpala ay ang tsansang makopo ang IBF at WBF titles sa bantamweight tournament finals. (Ray Mark Patriarca)