Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Donaire inulan ng pagbati

0 261

Maraming nagpaabot ng pagbati kay newly-crowned World Boxing Council bantamweight king Nonito Donaire Jr. na pinangunahan ni eight-division world men’s professional boxing champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao.

Sinakote ng The Filipino Flash ang hinawakan na ring korona noong 2011 nang bumigwas ng fourth round knockout win French-Moroccan Nordine Oubaali Oubaali sa Dignity Health Sports Park sa Carson, California Sabado (Linggo sa Maynila).

“Congrats Nonito Donaire on a huge KO win! The oldest WBC bantamweight champion in history. Still living up to your nickname, the Flash! #PinoyPride,” tweet ni Pacquiao sa 38-anyos na tubong Bohol na boksingero.

SM food to go Banner Ad

Bumati rin sa tagumpay ni Donaire si undefeated featherweight champion Mark Magsayo: “Congratulations kuya Nonito Donaire Jr. The Filipino Flash is back! Iba talaga ang dugong Boholano! #Mabuhayangpinoy #lefthookdimatabang!”

Dahil sa panalo, angat ang pro ring record ni Donaire sa 41-6 win-loss (27 by KOs) habang nabahiran naman ang marka ni Oubaali sa 17-1. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.