Abante Tonite Interactive

Donaire, Jr. palaos na

By
4,497

Makatatama, pero hindi makasasakit.

Ipinagyayabang ng 30-anyos na dating world champion na si Carl Frampton ng Northern Ireland na kaya niyang tanggapin ang mga suntok ni Filipino ex-champ Nonito Donaire, Jr.

“He’s still dangerous. He’s definitely a big puncher and it’s something I need to be cautious about,” wika niya kahapon sa isang boxing news site.

Naniniwala si Frampton (24-1, 14KOs) na kaya niyang saluhin ang mabibigat na suntok ng 35-taong-gulang na si Donaire (38-4, 24KOs) dahil mas bata umano siya at mas malaki ang katawan.

“He’s been as low down as super flyweight. I feel I’m the bigger man. I believe he’s a puncher but I believe I can punch equally as hard,” dagdag nito.

Magsasagupa ang dalawa sa Abril 21 sa balwarte ni Frampton sa Belfast, Ireland at ang magwawagi ang magkakatsansang lumaban sa featherweight world title fight sa huling bahagi ng 2018.(Ferdz delos Santos)