Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Donaire sinaluduhan ng PSA

0 38

Hindi mapag-aalinlanganan ang ibinigay na karangalan ni Nonito Donaire Jr. para maging top performer ng Philippine Sportswriters Association (PSA) honor roll para sa masayang buwan ng Disyembre.

Kahit may mga nagningning sa chess, karate at golf, ang boxing ang namayagpag kung saan naidepensa ng 39-ayos sa Carson, California ang World Boxing Council bantamweight title niya noong Dis. 11. via fourth round knockoutsa kapwa Noypi na si Reymart Gaballo.

Nakaungos si Woman Grandmaster Janelle Mae Frayna kay Shania Mae Mendoza para makuha ang National Women’s Chess Championship, sorpresang nagreyna si Rianne Mikhaela Malixi sa Ladies Philippine Golf Tour, at nanalo si Sam Dizon sa girls division ng Singapore Junior Golf Championships sa Keppel Club.

Bumalik naman ng ‘Pinas sina Junna Tsukii at Jamie Chirstine Lim bitbit ang mga silver medal mula sa Asian Karate Championships sa Almaty. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.