Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Donasyon ng PCSO sa Cagayan dinagdagan

0 155

SDC

3,500 relief pack ang nilaan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga binahang residente sa Cagayan province.

Napaulat na sinabi ni PCSO Cagayan Branch Manager Heherson Pambid na napamigay na ang kalahati ng mga relief pack sa mga bayan ng Buguey at Baggao, Linggo.

Ang mga natitira aniyang relief pack ay ipamamahagi sa mga apektadong residente sa mga bayan ng Alcala, Amulung at Iguig ngayong Lunes.

Ang 3,500 na second tranche ng mga relief pack ay iba pa sa 2,500 relief pack na pinamigay sa mga mamamayan sa Enrile, Solana at Tuguegarao City sa Cagayan, at Tumauini, Cauayan City, San Mariano at City of Ilagan sa Isabela.

Ayon kay Pambid, ang relief assistance ay bahagi ng charity funds na kinolekta mula sa PCSO lotto, keno, small town lottery at iba pa nilang palaro.

Dahil sa matinding pag-ulan na dulot ng Bagyong Ulysses na sinundan ng pagpapakawala ng tubig mula sa Magat Dam, umapaw ang Cagayan River at nilubog sa tubig ang kabahayan ng libu-libong residente sa lalawigan.

Ito na ang pinakamasahol na pagbaha na tumama sa Cagayan sa loob ng apat na dekada.

Leave A Reply

Your email address will not be published.