Abante Tonite Interactive

Donasyon pinansasabong ni Father

407

Hello po mga ka-Abante at Tonite. Join na rin po ako sa tsismisan dito, nakakainggit kasi.

Ako po si Benz, make-up artist from Batangas. May tsismis is about our Parish­ Priest dito sa aming lugar. ­Sorry Father, mabuting malantad ang gina-gawa mo, nakakahiya ka kasi. Ganito po ang kuwento.

Kung iyong ibang pari na mga bading­ eh mga lalaki ang target, ito naman si Father M (not his real name), eh iba ang trip.

Sabong po naman ang trip. Iyong kasing pamilya ni Father M eh mga big-time ng mga mananabong dito sa ­aming town.

Sumasali po sila sa mga derby ‘di lamang dito sa Batangas kundi sa mga nearby provinces and even sa Metro Manila.

Ayon sa kuwento ng isang sakristan ni Father M, hindi raw pumupunta dito sa sabungan sa aming lalawigan si Father. Sumasama lang daw ito sa kanyang mga kamag-anak sa mga derby sa kalapit na provinces like Cavite, Laguna at Quezon.

In fact, kahit malalaking derby sa Maynila, sinasamahan nitong si Father. Hindi mo raw siya makilala dahil lagi itong nakasuot ng shades. Hindi rin ito lantad na pumusta dahil meron itong tagataya o Cristo yata ‘yun.

Pero ang tanong ng mga taga rito sa amin, san kinukuha ni Father ang kanyang pamusta. Ang sabi ng sakristan niya, madalas daw kumukuha ito doon sa koleksiyon ng simbahan namin.Eh malaki pa naman ang nasasakupan ng Church namin dito, maraming mga mayayaman at maraming nagsisimba kaya maraming abuloy na naiipon ang simbahan. Wala pang nakaalam ng bisyo ni Father dito, kami pa lang dahil naikuwento nga ng kanyang sakristan.
Thank you po.

Benz at your ­service