Abante Tonite Interactive

Donasyon sa Batangas ₱4M talent fee ni Isko, Vico binenta sapatos

923

Muling nag-donate ng kanyang talent fee si Manila Mayor Isko Moreno para naman sa mga naninirahan sa Batangas na sinalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal

Nabatid na umabot ng P4 milyon ang ta­lent fee na ibibigay ni Moreno bilang perso­nal niyang donasyon sa mga bakwit sa Batangas.

Kabilang dito ang P2 milyong talent fee mula sa Novuhiar at P2 milyon din galing naman sa KJA Summit Food Corporation.

Samantala, binigay naman ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang kanyang branded rubber shoes na Air Jordan 11 Retro Low sa non-profit group na Earth Shakers para makalikom ng pondo na ibibigay sa mga bakwit sa Batangas.

Inilabas ng Facebook user na si Matthey Santiago Cuyugan ang larawan ng rubber shoes na pinasusubasta ni Sotto noong Enero 17.

Sinimulan ang tawaran sa rubber shoes ng alkalde sa hala­gang P12,000. Bukod dito, makakatanggap din ang winning bidder ng eco bag na pirmado ni Sotto at may nakasulat na “Thank you for helping! God bless”. (Juliet de Loza-Cudia)