Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic, 2 pa piyesta sa labas

0 182

Namiyesta sa labas ng arc sina Luka Doncic, Tim Hardaway Jr. at Dorian Finney-Smith, at kinubabawan ng Dallas ang Los Angeles Clippers 113-102 sa Game 1 ng kanilang NBA Western Conference first-round series Sabado.

Pasok ang tig-limang bitaw nina Doncic at Hardaway, may apat pa si Finney-Smith sa 17 for 36 clip sa long distance ng Mavericks.

Tumapos si Doncic ng triple-double na 31 points, 10 rebounds at 11 assists. Umayuda ng 21 points si Hardaway, may 18 si Finney-Smith. May pinagsamang 29 points din sina Kristaps Porzingis at Jalen Brunson.

Naka-isang puntos na lang si Doncic sa fourth – galing free throw pa.

“We won the game. That’s all that matters to me,” giit niya.

Game 2 sa Miyerkoles (araw sa Manila) sa Staples Center sa California pa rin.

Sa kabila, 11 for 40 lang sa labas ng arc ang Clippers, combined 3 for 14 sina Kawhi Leonard at Paul George.

Naglista si Leonard ng 26 points, 10 rebounds at 5 assists, 23-6-5 kay George. NBA-leading ang 41% shooting ng Clippers sa 3-point land sa regular season. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.