Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic iuupo Mavs sa trono

0 116

Pagkatapos pumirma ng rookie super-max extension na $207M (P10.4B) para manatli sa Dallas, naka-focus na muli sa iisang misyon si Luka Doncic: NBA title.

Hindi na umabante sa playoffs ang Mavericks sapul nang pangunahan ni Dirk Nowitzki ang pagtataas ng titulo noong 2011.

Si Luka ang inaasahang sagot.

Sinadya pa ng team ni Mark Cuban, kasama sina coach Jason Kidd at front office executive nang si Nowitzki, si Doncic sa Slovenia para papirmahin ng kontrata.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sina Kidd at Nowitzki ang arkitekto ng nag-iisang titulo na ‘yun.

“I still kind of don’t know what to say because I never imagined this happening,” ani Luka, katabi sa press conference si Cuban sa hometown ng 22-year-old sa Ljubljana. “I was only dreaming of only playing in the NBA.”

Magsisimula sa 2022-23 ang bagong kontrata, selyado ng Mavs hanggang 2026-27 ang pinakamahalagang piyesa sa paghahabol sa kampeonato.

Pasok si Doncic sa max contract dahil dalawang beses itong nasama sa All-NBA first team. Siya na ang pinakabatang may multiple first-team selections sa NBA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.