Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic, Mavericks ginutay ang Nets

0 70

Hindi pinaglaro ng Brooklyn si Kyrie Irving para ipahinga ang kanang balikat.

Out pa rin si Kevin Durant, si James Harden na lang ang naiwan sa Big 3 ng Nets Sabado ng gabi.

Sinamantala sila ni Luka Doncic at ng Mavericks.

Pasabog ng 27 points, 6 rebounds at 7 assists si Doncic para ihatid ang Dallas sa kumportableng 115-98 panalo sa 75th NBA regular season game sa Barclays Center sa New York .

SM food to go Banner Ad

Hindi kinayang isalba ng 29 points, 7 rebounds at 6 assists ni Harden ang 22-13 Brooklyn. Ang tig-12 points lang nina Jeff Green at Bruce Brown ang nakasuporta kay Harden.

Sa kabila, may 18 points ang galing injury na si Kristaps Porzingis sa limitadong 26 minutes, pinagsamang 27 points off the bench kina Jalen Brunson at Tim Hardaway Jr. na nagpataas sa Mavs sa 16-16 W-L slate.

Nakapuwersa ng 12 steals ang Mavs at inari ang puntusan sa paint 50-36.

Pitong laro nang wala sa Brooklyn si Durant (hamstring), posibleng hanggang All-Star break na magpahinga. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.