Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic, Mavericks humirit ng Game 7

0 51

NAGTISTIS si Luka Doncic ng 33 points at binawian ng Dallas Mavericks ang Phoenix Suns 113-86 nitong Huwebes sa Game 6 ng West semis.

Home team lahat ang nanalo sa anim na laro, nakapuwersa ang Mavs ng Game 7 sa Lunes (araw sa Manila) sa Phoenix.

Mukhang may iniinda pa sa kaliwang paa si Doncic, pero may palamuti pang 11 rebounds at 8 assists. Nasiko pa siya sa mukha ni Deandre Ayton sa third quarter.

Umiskor ng 10 si Doncic sa third nang lumayo ang Dallas hanggang 94-72.

Umayuda ng 19 points si Reggie Bullock, may 18 si Jalen Brunson sa Dallas. Lahat ng 15 points ni Spencer Dinwiddie ay galing sa 3s.

Sa likod ng 19-5 run sa second quarter ay pumasok sa break ang Mavs tangan ang 60-45 edge at hindi na bumitaw.

Naglista ng 19 points si Suns star Devin Booker pero 0 for 4 sa 3s. May 21 points, 11 rebounds si Ayton, naka-13 points si Chris Paul. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.