Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic, Mavericks sinubsob Clippers

0 273

Pasabog si Luka Doncic ng 42 points para giyahan ang Dallas sa 105-100 panalo laban sa Los Angeles Clippers Miyerkoles ng gabi sa Staples Center sa California.

May palamuti pang 8 rebounds at 14 assists si Doncic, at muli’y hawak ng Mavericks ang 3-2 series lead sa NBA Western Conference first-round playoffs.

Puwede nang isara ng Mavs ang series sa Game 6 sa Sabado (araw sa Manila) sa harap ng sarili nilang fans sa Dallas.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dalawang free throws ang isinalpak ni Tim Hardaway Jr. 8 seconds pa sa laro na sumigurado sa panalo ng Mavs. Tumapos siyang may 20 markers at 7 boards.

Sa lahat ng limang game ng series, road team ang nanalo. Pangatlong beses na ito sa NBA history pero una sapul noong 1995, ayon sa Elias Sports Bureau.

Binitbit ng 23 points, 10 rebounds at 6 assists ni Paul George ang Clippers, may 20-5-5 si Kawhi Leonard. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.