Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic, Mavs alpas vs Celtics

0 109

Katiting na 0.1 second na lang sa orasan, nahulog sa net ang ibinatong 3-pointer ni Luka Doncic at naligtasan ng Dallas ang Boston 110-107 sa 75th NBA 2020-21 regular season game sa American Airlines Center sa Texas Martes ng gabi.

Nakaiwas mula sa fourth-quarter collapse ang Mavericks na binalikat ni Doncic sa 31 points sa 6 for 8 shooting mula sa 3s at umakyat sa 15-15 win-loss record, ungos din sa biktima na lumagpak sa 15-16.

Dalawang go-ahead 3s ang pinakawalan ni Doncic sa final minute.

Hinabol ng Celtics ang 11-point deficit 3 minutes pa sa laro bago inagaw ang manibela sa jumper ni Jaylen Brown.

Sumagot si Doncic ng pahirapang 3 sa harap ni 6-foot-8 Daniel Theis, pero muling itinabla sa 107-107 ni Brown, na tumapos ng 29 pts.

Kay Doncic ang last shot habang hinahabol ni Kemba Walker.

Kumana ng step-back 3 mula sa kaliwa ang Serbian shooter, pagpasok ng bola ay pinagdiskitahang kalampagin ang scorer’s table. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.