Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic, Mavs alpas vs Jazz

0 177

Sakto lang sa required na eight players ang Dallas, pero kung may Luka Doncic naman sa lineup ay hindi basta-basta susuko ang Mavericks.

Kahit laban sa NBA-leading Utah.

Kumana ng halos triple-double na 31 points, 9 rebounds at 8 assists si Doncic, sinegundahan ng season-best 23 pts. ni Dorian Finney-Smith, at hiniya ng Mavs ang dumayong Jazz 111-103 Lunes ng gabi sa American Airlines Center.

Hindi pa umiskor sina starters Maxi Kleber at Nicolo Melli. Sa ikalawang start, naka-32 minutes si Melli, nagbaba ng 7 rebounds at sa kabila ng four fouls ay matibay na inangklahan ang depensa.

Iniupo ni Dallas coach Rick Carlisle ang No. 2 scorer at leading rebounder niyang si Kristaps Porzingis (sprained right wrist).

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagdagdag ng 20 points si Jalen Brunson, may 17 si Josh Richardson at 16 pa kay Tim Hardaway sa Mavs na umangat sa 28-21 at tinabig ang biktima sa 38-12.

Namuno sa Jazz ang 28 points ni Mike Conley. Nalimitahan sina Donovan Mitchell, Bojan Bogdanovic at Jordan Clarkson sa tig-16 points.

Bago ang laro ay nag-a-average ng 117 points bawat laro ang Jazz.

“To hold these guys to 103 is a hell of a job,” ani Carlisle.

Sa 137-91 win sa Orlando noong Sabado, nagpasabog ng NBA-record na 18 3-pointers sa first half ang Jazz pero nagkasya lang sa 12 for 44 kontra Mavs. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.