Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic, Mavs iwas sa walis

0 42

BINAWIAN ni Luka Doncic at Mavericks si Chris Paul at Phoenix 103-94 sa Game 3 ng West semis sa Dallas nitong Biyernes.

Idinikit ng Mavs ang series 2-1, Game 4 sa Lunes (araw sa Manila) sa Dallas pa rin.

Nagsumite si Doncic ng 26 points, 13 rebounds at 9 assists.

Dumating na rin ang ayudang inaasahan para kay Doncic, umiskor ng team-high 28 points si Jalen Brunson. Nag-ambag ng 15 si Reggie Bullock, 14 pa kay Dorian Finney-Smith.

Inalat si Paul sa kanyang 37th birthday, napuwersa sa 7 turnovers lahat bago ang halftime.

Epektibo ang pambubulabog ni Bullock kay CP3.

Napahirapan sa 5 of 9 shooting si Paul at tumapos ng 12 points. Umiskor ng 18 si Devin Booker pero 2 of 7 lang din sa perimeter.

Namuno sa Suns ang 19 ni Jae Crowder.

Naibaba ng Phoenix ang dating 18 points na hinahabol sa walo, pero sumagot ng corner 3 si Bullock sa final minute. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.