Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic, Mavs sinipa Pelicans sa playoffs

0 292

Sinipa ng Dallas sa habulan sa playoffs ang New Orleans.

Umiskor si Luka Doncic ng 33, nagdagdag ng 19 ang nagbabalik mula knee injury na si Kristaps Porzingis, at inekisan ng Mavericks ang krusyal na 125-107 win sa 75th NBA regular season game sa American Airlines Center sa Txas nitong Miyerkoles.

Wala ang apat na starter, napagsarhan na sa postseason ang Pelicans (31-39). Late scratch si Lonzo Ball (sprained right thumb), nasa injury list din sina Zion Williamson (broken left hand), Brandon Ingram (sprained left ankle) at Steven Adams (sprained toe).

SM food to go Banner Ad

Tatapusin ng Dallas (41-29) ang season na No. 6 sa West kapag naipanalo ang isa sa huling dalawang laro.

May palamuti pang 8 rebounds at 8 assists si Doncic. Maangas ding nagsumite ng 27 points si Tim Hardaway Jr. sa Mavs.

Naglista ng tig-15 points sina Eric Bledsoe at Jaxson Hayes sa New Orleans. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.