Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic, Mavs winalis Lakers

0 202

Sa pangalawang gabi ng back-to-back, muling hindi pinaporma ng Mavericks ang Lakers at ang nagbabalik mula injury na si Anthony Davis.

Nagsumite si Luka Doncic ng halos triple-double na 18 points, 8 rebounds at 13 assists para manduhan ang Dallas sa 108-93 panalo sa Los Angeles sa 75th NBA regular season game sa American Airline Center sa Texas Sabado ng gabi.

Hiniya rin noong Huwebes Noong Huwebes ng Mavs ang Lakers 115-110 sa unang laro ni Davis sa loob ng higit dalawang buwan dahil sa calf injury.

Puminta ng 25 pts., 9 rebs. si Dwight Powell, may 21 pts. pa si Dorian Finney-Smith sa Dallas.

Buong gabing binulabog si Doncic na napuwersa sa 6 of 15 shooting, pero rumesponde si Powell.

Nabigyan lahat ng higit 14 minutes na playing time ni coach Rick Carlise ang nine players sa lineup ng Dallas, lahat umiskor.

Binitbit ng 20 points ni guard Ben McLemore ang LA. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.