Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic walastik sa Mavs vs Kings

0 288

Naglista si Luka Doncic ng Dallas ng pambihirang stat line na tatatlong beses pa lang nagawa sa kasaysayan ng NBA Martes ng gabi sa Orlando.

Tumapos si Doncic ng monster game na 34 points, 20 rebounds at 12 assists sa 114-110 overtime win ng Mavericks kontra Sacramento Kings.

Sapul nang magsanib ang NBA at ABA noong 1976, pang-apat na beses lang na nagkaroon ng 30-20-10 game.

Sa edad 21, pinakabatang player pa si Doncic na naglista ng 30-point, 20-rebound triple-double.

Umayuda ng tig-22 points sina Kristaps Porzingis at Tim Hardaway Jr. sa Dallas.

Bigong isalba ng 28 points, 9 assists ni De’aaron Fox ang Kings na 0-3 na sa bubble.

Mula sa field ay 12 of 24 si Doncic, 8 of 11 sa stripe – kapos ng isa ang free throw attempts niya sa total ng Kings. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.