Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Doncic walastik vs Spurs

0 159

Nilista ni Luka Doncic ang 33rd career triple-double, nag-deliver si Kristaps Porzingis ng double-double, at kumalas sa dulo ang Dallas Mavericks para iwan ang San Antonio Spurs 115-104 sa NBA 2020-21 regular season game sa American Airlines Center sa Texas Miyerkoles ng gabi.

Tumapos si Doncic ng 22 points, 12 rebouns at 12 assists, may 28 markers at 14 boards si Porzingis na kinaangat ng kanilang kampo sa 19-16 win-loss slate at saltikin ang biktima sa 18-15.

Isinara ng Mavs ang laro sa 17-4 run laban sa Spurs na mawawalan na ng LaMarcus Aldridge sa lineup.

Bago ang laro, inihayag ni Spurs coach Gregg Popovich na hinahanapan na nila ng trade si Aldridge.

Namuno sa Spurs ang 30 pts., 11 asts. at 4 steals ni DeMar DeRozan.

Nadomina ang San Antonio sa rebounding department 51-30 at sa second-chance points 21-2.

Sa late run ng Mavericks, sablay ang 11 straight attempts ng Spurs sa loob ng halos 8 minutes.

Inakbayan ni Doncic si Bob Cousy sa 11th place ng career triple-doubles. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.