Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DongYan balik-tambalan

0 268

Inamin ni Marian Rivera na kahit ilang taon na silang kasal, hanggang ngayon ay pinapakilig pa rin siya ng mister na si Dingdong Dantes. At isang factor din nga ito kung bakit nanatiling masaya at matatag ang kanilang pagsasama.

“Hindi nawawala ‘yung kilig kasi ewan ko. Marami kasing gimik kasi din ‘to e. Parati akong pinapakilig e. So ako naman sa iba ko naman siya pinakikilig, sa ibang way. Magkaiba kaming dalawa,” pahayag ni Marian sa panayam nila ni Dingdong sa GMA.

Of course, wala naman daw perfect relationship pero puwede namang close to perfect kung tatrabahuhin.

“Wala naman talagang perfect relationship e. Pero nga sabi nga namin kung kayong dalawa winowork n’yo ‘yun together siguro puwedeng maging close to perfect, hindi ba?” aniya.

Ibinahagi nga rin ng aktres na importante rin sa mag-asawa na alamin ang kalagayan ng isa’t isa.

“Kasi ngayon na may pandemya, nasa bahay lang kayo. Baka minsan akala mo porket nasa bahay kayo na magkasama kayo ‘yun na ‘yung time na ‘yun. Hindi.

“May time talaga kami na kaming dalawa na palagi kaming nag-uusap, nag-heart to heart talk talaga kami kung kumusta ka na, ano’ng nangyari sa’yo, may kailangan ka ba?

“Siguro napakalaking halaga nun na nalalalaman mo o tinatanong mo yung partner mo kung kumusta na siya,” pahayag pa ng Kapuso Primetime Queen.

Sa nasabing panayam ay kinumpirma rin ng mag-asawa na finally ay magtatambal na ult sila sa isang proyekto na alam naman nating matagal nang inaabangan ng mga DongYan fans.

Natanong ang mag-asawa kung mapapanood na ba sila soon sa isang project at sey ng aktres, “yes! Yes ang sagot! Y-E-S!”

SM food to go Banner Ad

Dagdag naman ni Dingdong, “very soon!”

Yorme nakalabas na ng ospital

Magaling na si Manila Mayor Isko Moreno matapos tamaan ng COVID-19. Finally ay nakalabas na rin siya ng ospital base na rin sa mga ibinahagi niyang larawan sa kanyang Facebook page.

“Salamat po sa Diyos,” ang caption ni Yorme sa mga larawan kung saan ay makikitang lumalabas na siya ng hospital.

Makikita rin sa mga larawan na dumiretso si Yorme sa ambulansiya pagkalabas ng ospital at hindi nagpa-interview.

Sampung araw ding na-confine si Yorme sa Sta. Ana Hospital sa Maynila matapos mag-posiitibo sa COVID-19. Matatandaang dinala siya sa ospital noong Aug. 15. Nakaranas siya ng mga sintomas na minor cough, colds at body pains.

Naglabas din ng statement ang Public Information Office ng Maynila at ibinabalita nga na magaling na ang kanilang Mayor.

“Nakalabas na ng Manila Infectious Disease Control Center ng Sta. Ana Hospital si Punong Lungsod Francisco Isko Moreno Domagoso matapos gumaling mula sa sakit na COVID-19,” ang statement ng PIO Manila.

Mananatili muna sa kanyang opisina si Yorme para ipagpatuloy ang kanyang quarantine for 3 to 4 days.

Leave A Reply

Your email address will not be published.