WebClick Tracer

Donna Diamante, Jhunreal Espinosa asinta tig-2 titulo

ABANTE TONITE

Nakatutok si Donna Diamante sa isang dominadong kampanya sa girls’ division, habang igigiit ni Jhunreal Espinosa na kabilang siya sa mga umuusbong na bituin ng bansa paghambalos ng City of Naga Juniors Age Group Tennis Championships nagyong Huwebes, Hulyo 9 sa City of Naga courts sa Cebu.

Ang Group 2 event na pinahintulutan ng Philta at Universal Tennis Rating, ang magbubukas ng Visayas leg 3-leg Juniors Series, kasunod ng matagumpay na paglulunsad sa Mindanao bilang bahagi ng patuloy na pangako ng Palawan Pawnshop na matuklasan at paunlarin ang mga hinaharap na kampeon ng tennis ng bansa sa pamamagitan ng de-kalidad na grassroots na kompetisyon.

Bibida sina Diamante at Espinosa sa mga dibisyon ng 16 at 18 taong gulang pababa, parehong asintang mawalis ang mga titulo upang makakuha ng maagang bentahe sa serye habang kumokolekta ng mahahalagang puntos sa ranggo at pambansang pagkilala.

Ang kanilang mga landas, gayunpaman, malayo sa pagiging madali.

Pihadong magbibigay ng matinding hamon sina Etha Seno, Alessandra Garcia at Mercy Pinili sa panig ng mga babae, na nagtatakda ng entablado para sa isang linggong pukpukan sa ilan sa mga pinaka-maaasahang batang talento ng bansa sa Visayas.

Ang torneo ay bahagi ng pangmatagalang grassroots development program ng Palawan Pawnshop, na dinisenyo upang bigyan ang mga batang manlalarong Pilipino ng isang pare-pareho at mataas na antas ng kompetitibong plataporma kung saan maaaring hasain ang mga kasanayan, makakuha ng mahalagang karanasan sa laban, at unti-unting umunlad sa mas mataas na antas ng kompetisyon.

Pupunta rin circuit sa Cebu City para sa 2nd leg sa Hul. 16-21 sa Villa Aurora Tennis Courts sa Pardo, at ang ikatlong stop sa Hul. 23-28 sa Mandaue Tennis Courts.

Makakatuos naman ni Espinosa sina James Estrella, Marcus Sio at David Sepulveda sa 16-and-U ng mga lalaki, habang sina Hazlie Malicay at Kristian Kilat ang pangunahing mga kalaban niya sa premier 18-&-U ng torneo, na mga sinusuportahan ng ICON Golf and Sports, Dunlop, at ng Palawan Group of Companies sa pamamagitan ng presidente at CEO na si Bobby Castro.

Inaasahan din na magiging matindi ang kompetisyon sa mga mas batang grupo ng edad.

Si Seno ang gigya sa larangan ng mga batang babae na 14-below na kabibilangan din nina Arianna Tiongko, Danica Diamante at Garcia, habang sina Estrella, Sio, Madison Rago at Antonio To-Ong ang sa boys division.

Sa mga 12-U, sina Tiongko, Eliana Ngo, Cassandra Lanterna at Angel Ermita ang ilang nsa sa roster ng mga babae, habang sina Nino Lambating, Dale Diamante, Ryan Orquina at Brandon Castro ang mga makipagtagisan para sa pinakamataas na karangalan sa kalalakihan.

Kasama rin sa mga mapapanalunan ang boys’ at girls’ doubles championships sa 14- at 18-&-U divisions.

(Abante Tonite Sports)