Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Donnalyn umalma na madaya

0 8,242

NI: ROLDAN CASTRO

Hindi pa rin tumigil sa pagtalak si Donnalyn Bartolome sa pag-walkout nina Marco Gumabao at Super Tekla . Ito’y sa kanyang pakulo sa vlog na “Last to Leave the Pool Wins 1 Million” na dinelete niya dahil sa gulo nila.

Nag-post na naman siya sa kanyang Facebook page ng paglilinaw sa isyu.

Eto ang bahagi ng kanyang post. “1. Ako tumatayo? Madaya? Pakitaan ko kayo lahat ng raw clips. Lahat tumatayo sa pool na yan after I said lumubog sila.. EACH PARTICIPANT STILL IN THE GAME DISREGARDED THAT “RULE” na di nasama sa cut because 28 mins na ‘yung vlog. Pinalubog ko lang sila kasi wala na silang reaction for the vlog. Masyado na naka-focus sa 1M kesa magpasaya. Which is ‘yung main purpose ng vlog. Magpasaya. Wala nang nagsasalita. But I understand, 1M yun eh, kaya nga nandun ako spicing things up, talking to the camera, nangungulit. Pero sige, pakitaan nalang kayo ng raw clips na lahat tumatayo pero hindi ine-eliminate, para fair. Unfair nga naman kasi kung ako lang ang tumatayo para kausapin ang camera/viewers.

2. Tinulak ko? Kaya nag-cross ng line ang isang participant causing them to lose? Sige, wait kayo sa lahat ng anggulo ng cam, may tinulak ba talaga ako? O ayaw lang tumanggap sa pagkatalo? E di sana ‘yung mismong violator ang nagreklamong tinulak ko siya.

3. Nakaupo rin ako sa railing? Nasaan yung paa ko? Nakalubog. Ano ba definition ng pool? Google search tayo. WATER ��Metal Frame yung inangatan nung violator with both feet while ako nakalubog. Sa Last To Leave the Pool, basta may nakalubog na body part kasali parin, manuod kayo ng ibang last to leave the pool na nag-aasaran na tatayo na sa pool at aalisin kunwari ‘yung isang paa pero nakalubog pa rin ‘yung isa. Kasi alam nila na once mawala sila sa tubig common sense OUT na.

20-30 seconds na out of the water yung both feet nu’ng violator. Baka 2 seconds mapagbigyan ko pa or di pa pansinin ng staff.. pero may ibang participant na rin na nagreklamo not just me.

4. Ayaw mo ipamigay yung 1 Million.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Ha? Umpisa palang ng vlog sinabi ko na if I win, ipamimigay ko yung 1 Million sa fans dahil alam ko may ibang nangangailangan nun. Bakit ka kasi nag-skip?

Manalo man ako, maglalabas at maglalabas pa rin ako ng 1 Million Pesos. Sakit niyo sa heart hehe..

5. Nung sinabing neck deep, hindi ka nagneck deep.

Hindi pa applied ang rule na yan

Lahat hindi nag-neck deep, wala lang sa kanila ang cam. Pero baka sabihin niyo madaya so need ko na naman pakita ang clip sa ibang angle cause they are still asking me what rule to add kasi angtagal na naming lahat sa pool. Need talaga magdagdag ng rules. Tapos after dispute ng 2 violators, nag-pause ang challenge kasi di ako makahinga sa stress, waiting akong sana pina-prank na lang nila ako.

Paid sila sa content ko + they get to collab with me on their channel as well.
Walang bayaran sa content exchange guys, ako lang gusto mag-pay before pa mapili ang challengers kasi nga extreme ‘tong vlog na’to.

6. Hindi clear yung rules :Madaming clips na na-cut na it was verbalized 3x and all the participants followed the rule. Meaning they are all aware. Tapos nung may naka-violate na is biglang di na clear? E di why were you following the rule this whole time? Labas na lang natin ‘yung raw clip.”

Hirit pa ni Donnalyn, “The purpose of that vlog is to make people happy, gusto ko lang celebrate 7M subs ko sharing my blessings by giving away 1 Million win or lose and at the same time entertain with no intention of cheating anyone involved.”

Leave A Reply

Your email address will not be published.