Abante Tonite Interactive

Don’t love my child’s mom (2)

463

Dear Dra Holmes: (shortened March 2 letter)
I want leave Alice, the mother of my child. She and I are different and my family doesn’t accept her; she comes from a different background and religion.­

I want to marry Becky, my fiance. She knows about Alice.

Please help me end things with Alice so she does not take her anger out on Becky. I am just civil with Alice, but she believes that I love her and plan to marry her. I will always respect Alice as the mother of my child. It is different with Becky, whom I want to marry. Please advice me.
Jesse
Dear Jesse:
Maraming salamat sa sulat mo na pinublish natin kahapon, Marso 2. Sorry kung medyo malupit ang dating ko kahapon.
Ang suwerte na hindi ganyan si Becky, na pinatawad ka agad. Gusto mong mapatawad ka rin ni Alice.

Palagay ko hindi kasing dali kang papatawarin ni Alice. Una, iiwanan mo siya. Mas madaling magpatawad sa isang kataksilan kung kusang loob umamin ang lalake ng kaniyang mali at mangakong hindi na niya uulitin ito. Mas madaling magpatawad kung alam mo, kagaya ng alam ni Becky, na ikaw ang pinili at hindi ‘yung ibang babae.

Pero si Alice ay walang ganyang pampalubag loob, Jesse. Malalaman lang niya na mayroon ka palang ibang girlfriend sa umpisa pa at malamang wala kang balak, kahit na sinabi mo mahal mo siya, na manatili sa piling niya.

Ang masasabi ko lang sa iyo siguro ay sana magpasensya ka nalang sa kahit anong salita, mura o sumpa na masabi ni Alice sa iyo. Siguro, kung paaalahanan mo ang iyong sarili na ikaw ay uuwi kay Becky pagkatapos mong magbisita sa anak mo, at si Alice? Si Alice ay matatandaan lang ang mga sinabi mo sa kaniya na mga kasinungalingan lang pala.

Sa aking opinyon (na maaaring mali) kapag napatunayan mo kay Alice na hindi mo sinadyang saktan siya, ginagawa mo ang lahat para maalagaan mo ang anak ninyo at sinusubukan mong magbago, matututo na rin siyang patawarin ka. Good luck—MG Holmes Si Dra Holmes ay nagsusulat sa Tonite tuwing Sabado at Linggo. Sulatan siya sa drmargieholmes@gmail.com o sa Facebook: http://www.facebook.com/drmargieholmes. Panoorin siya sa Walang Echos sa Abante Tonite facebook tuwing Huwebes, 7 pm.