Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dormitorio gustong pumedal sa Olympics

0 200

PANGARAP ni mountain bike queen Ariana Dormitorio na maging unang Pinay cyclist na pepedal sa Olympics.

Kahit nasa kalagitnaan ng pamiminsala ng coronavirus ay patuloy ang training ng 23-year old cyclist sapagkat pinaghahandaan nito ang nalalabing qualifying races para sa Tokyo Games.

“I really look forward to qualifying to the Olympics and be able to represent the Philippines with my head held high,” saad ni Dormitorio.

Bukod kay Dormitorio, malaki rin ang tiwala ni Cycling head at Philippine Olympic Committee president Bambol Tolentino kay Olympian BMX rider Danny Caluag na makakapadyak sa nasabing quadrennial meet.

Kailangan mag-rank sa top 3 sa Asia ang dalawa para makakuha ng slot sa 2020 Tokyo Olympics na nausog sa susunod na taon.

Bago ang quarantine period noong March, pang-No. 4 si Dormitorio habang si London Games veteran Caluag ay nasa fifth spot. (Elech Dawa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.