Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Dorog baker ang peg

0 121

Hindi lang sa sport pwedeng ipambato si Philippine SuperLiga (PSL) player Justine Dorog, kundi pati narin sa pagbe-bake.

Sa ibinahaging Instagram post ng Chery Tiggo Crossovers volleybelle nitong Miyerkoles, ipinasilip ng 22-year-old, 5-foot-5 outside hitter ang kanyang day routine pati narin pag-bake ng cookies.

Related Posts

Una munang ipinakita ng dalagang buhat sa Catmon, Cebu ang kanyang pagwo-workout kasunod ang simpleng pagbe-bake ng cookies gamit ang oven toaster.

“Baked with love, charot! Masarap talaga, no joke,” paglalarawan ng former national under-23 team member at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) belle buhat sa UP Lady Maroons na si Dorog sa gawa niyang makakain. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.