Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DoS apurahin

0 63

Philippine general elections na sa May 9, 2022.

Kaya tingin ng TP, baka mantala ang ang pagbuo ni Deputy Speaker at Antipolo City First Dist. Rep. Roberto Puno para sa iisang bill sa Department of Sports.

Siya ang inatasan ni House Committee on Youth and Sports Development chairman, Isabela Rep. Faustino Michael Carlos Dy III at ng House Committee on Government Reorganization para mamuno sa technical working group ng DoS bill.

Nais ng dalawang Komite na pag-isahin ang House Bill 214 ni Puno, HB 920 ni Deputy Speaker, 1-Pacman Partylist Rep. Michael Romero, at dalawang iba pa.

Lumakas ang panawagan na ibilang sa national agenda ang sports makaraang masungkit ni weightlifter Hidilyn Diaz ang unang gold medal ng bansa sa 97 taon sa women’s 55-kilogram division ng 32nd Summer Olympic Games 2020+1 sa Tokyo, Japan nitong July.

Opo mabuti naman ang rekord ng Philippine Sports Commission sapul noong 1990-2021.

Pero kulang lang sa ngipin.

Matagal na panahong ginawa itong gatasan ng maraming pulitiko.

Leave A Reply

Your email address will not be published.