Abante Tonite Interactive

DOST building pabrika ng pekeng yosi

370

Sinalakay ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang isang gusali na pag-aari umano ng Technology, Livelihood Resource Center (TLRC) ng Department of Science and Technology (DOST) na natuklasang gumagawa ng may P1 bilyong halaga ng mga pekeng sigarilyo sa Cabiao, Nueva Ecija .

Aabot sa may 20 highly technical machines na ginagamit sa produksiyon ng mga pekeng sigarilyo na may mga tatak Two Moon, Marvel at iba pa ang nasabat sa lugar..

Dakong alas-4:00 nang hapon nang salakayin ang isang warehouse sa Brgy.
Sinipit ng pinagsanib na puwersa ng SCU-RID sa ilalim ni Police Major Madtaib Jalman, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG 3), Cabiao Police, RMFB 3, JTI International at BOC alinsunod sa Letter Order No. 01-16-177-2020 na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Naaresto sa lugar ang may 29 undocumented na mga Chinese national at 124 Pinoy worker.

Nasa P1 bilyon umano ang halaga ng mga makina at mga nakumpiskang angkap sa paggawa ng sigarilyo. (Jojo de Guzman)