Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOST: Tawa-tawa, lagundi aprub kontra COVID

0 196

Kinumpirma ng Department of Science ang Technology (DOST) na naging maganda ang resulta sa paggamit ng lagundi at tawa-tawa bilang karadagang gamot kontra COVID-19.

Ayon kay DOST Undersecretary Rowena Guevarra, tapos naang clinical trials sa dala­wang medicinal plant at naging positiboang epekto ng mga ito sa mga COVID patient na may mild symptoms.

“So, na-prove na nila na nale-lessen ‘yung mga symptom using lagundi, lalo na ‘yung pagkawala ng pang-amoy, nakapagbibigay din ito ng overall relief from discomfort due to the symptoms,” pahayag ni Guevarra sa panayam ng DZBB.

Sa clinical trials, ang tawa-tawa ay binigay bilang food supplement sapagkat isa itong herbal supplement, habang anglagundi ay isang herbal medicine, na ayon kay Guevarra ay magkaiba.

Ilan daw sa mga sintomas na nawala sa mga umiinon ng tawa-tawa ay lagnat, panlalamig, sakit sa katawan at ubo. (Mark Joven Delantar)

Leave A Reply

Your email address will not be published.