Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOST trial sa lagundi vs COVID positibo resulta

0 91

Inanunsiyo ng Department of Science and Technology (DOST) na posibleng magkaroon na ng dagdag na gamot para sa mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19 sa bansa matapos na maging positibo ang resulta ng isinagawa nilang clinical trial sa herbal medicine na lagundi.

Ayon kay Philippine Council for Health Research and Development Director Jaime Montoya, natapos na kalagitnaan ng Setyembre ang ginawang pag-aaral sa paggamit ng lagundi ng mga pasyenteng may mild symptoms ng COVID at ilalalabas nila sa lalong madaling panahon ang resulta nito.

“The study has already been finished, the data has been presented to us but we are just finalizing results before the data release para ma-review ng experts ang results,” pahayag ni Montoya sa isang forum.

Aniya, may anti-viral properties ang lagundi para remedyuhan ang ubo at sa pag-aaral ay tiningnan nila kung ito ba ay puwede o hindi na ipanggamot sa COVID-19 kaya isinailalim sa clinical trial ang 278 pasyente mula sa pitong quarantine facility.

“Mukhang positive naman. I think it will be an additional medicine that we can give to COVID-19 patients,” sabi ni Montoya.

Bukod sa lagundi ay nagsasagawa rin ng pag-aaral ang DOST upang malaman kung ang mga herbal medicine na katulad ng virgin coconut oil at tawa-tawa ay makakatulong rin para sa mga pasyenteng may COVID. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.