Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOT may pa-survey sa mga biyahero

0 226

Naglunsad ng follow-up survey ang Department of Tourism (DOT) tungkol sa sentimyento ng mga biyahero sa Pilipinas sa new normal.

Hinikayat ni Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang mga ito na sumagot sa survey para makatulong sa paggaling ng industriya ng turismo.

Gugulong ang survey hanggang Disyembre 4 at makikita sa link na: bit.ly/phtravelsurvey-travelers.

“By sparing ten minutes to answer the survey, you can help shape the recovery of the Philippine tourism industry,” wika ni Puyat.

Isinagawa ang unang survey noong Mayo 2020 kung saan nakakolekta ang DOT ng feedback mula sa 12,000 respondents sa 81 lalawigan.

Nagbigay ito ng mga pananaw tungkol sa saloobin at inaasahan ng mga biyahero hinggil sa turismo ng Pilipinas sa mga unang buwan ng lockdown dahil sa pandemya.

Ang Philippine Travel Survey report ay ibinabahagi sa mga tourism enterprise upang matulungan na maunawaan at makatugon sa mga alalahanin at inaasahan ng mga biyahero. (IS)

Leave A Reply

Your email address will not be published.