Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOT ratsada na para ibangon turismo

0 227

Palalakasin ng Department of Tourism (DOT) ang lahat ng programa para muling mabuhay ang turismo sa bansa at bumalik ang mga turista at dayuhan ngayong niluwagan na ang mga paghihigpit sa pagbiyahe kontra COVID-19.

Ibinibida ngayon ng DOT ang kanilang 90-second tourism advertisement slogan na, “It’s More Fun with You” na ipinakikilala ang mga magagandang destinasyon sa Northern Luzon.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, isang magandang pagsalubong sa mga turista at dayuhan na makita at mapanood ang video upang mahikayat sila na bisitahin ang mga magagandang tanawin sa bansa, partikular na sa Boracay at Bohol na pinababa na rin ang mga paghihigpit sa pagbiyahe para sa mga lokal na turistang kumpleto na ang bakuna.

Inihayag pa ni Puyat na bukas na rin ang staycation sa mga hotel sa Metro Manila.

Ayon kay DOT regional director Woodrow Maquiling Jr., mayroong 40 staycation hotel ang bukas na sa Metro Manila.

Inihahanda na rin nila ang turismo sa Walled City sa Intramuros, Maynila para sa mga turista at dayuhan na kung saan kailangang fully vaccinated na ang kanilang mga frontliner. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.