Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr bet punuan ng pasahero sa mga jeep

0 96

Kung ang Department of Transportation (DOTr) lamang ang masusunod, nais na nilang ibalik na sa 100 porsiyento o ‘full capacity’ mula sa kasalukuyang 50% ang mga pasahero sa public transportation vehicle (PUV) sa Metro Manila.

Ito ang sinabi ni DOTr Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Steve Pastor sa ‘budget hearing’ ng ahensiya saSenado, kung saan aniya ay dedepensahannila ang kanilang panukala sa pagtataas ng ‘seating capacity’ ng PUVs sa ‘pandemic task force’ ng pamahalaan ngayong Linggo.

“Last Friday po nag-submit po kami sa IATF (Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases) ng formal position paper na i-increase po ang sitting capacity natin from 50 percent, para po saamin kung masusunod po ang kagawaran puwedepo itong maging 100 percent, based on the medical literature that is available,” ayonkay Pastor.

“We are ready to defend its position sa IATF po this coming Thursday… because this is not only a matter of public transportation but also a matter of public health po,” dagdag pa ng kalihim.

Sa naunang briefing, sinabi ni Pastor naang panukala ng DOTr sa COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases ay nakabasepareho sa ‘technical’ at ‘medical studies’, at ikinokonsidera pa rin ang ipinatutupadna safety protocols sa kani-kanilang mgalocal government unit (LGU). (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.