Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr bike lane project nganga sa 2022 budget

0 61

Namimiligro ang implementasyon ng bike lane project ng Department of Transportation (DOTr) matapos lumitaw na walang inilaan na pondo para rito.

Sa pagpapatuloy ng deliberasyon ng Kamara kaugnay sa panukalang 2022 national budget, tinanong ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kung may pondong inilaan para sa bike lane project dahil na rin sa paniniwalang nakapalaking tulong nito sa mga manggagawa ngayong panahon ng pandemya.

Ngunit sa tugon ni Bataan Rep. Jose Enrique Garcia III, na siyang nag- sponsor sa panukalang P150.76 bilyon budget ng DOTr, sinabi nitong humingi ang kagawaran ng P1.5 bilyon para sa bike lane project subalit hindi inaprubahan ng Department of Budget and Management (DBM).

“Nag-request ang ahensya ng P1.5 billion pero wala pong binigay ang DBM under our NEP (National Expenditure Program) kaya po isa po ‘yan sa susubukan nating magawan ng paraan upang mabigyan ng budget sa 2022,” ayon kay Garica.

Dahil na rin dito, tiniyak naman ni Castro na ipupursigi niya na mabigyan ng dagdag na budget ang DOTr upang mapanatili ang naturang proyekto. (Eralyn Prado/Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.