Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr dinagdagan pasahero ng mga tren

0 63

Simula ngayong Lunes, Oktubre 19, dadagdagan na ang passenger capacity ng mga tren para makatulong sa unti-unting pagbubukas ng ekonomiya kahit may COVID-19 pandemic pa.

Sa inilabas na pahayag ng tanggapan ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade, pinayagan na ang 30% maximum passenger capacity sa Metro Rail Transit (MRT), Light Rail Transit (LRT) at Philippine National Railways (PNR).

Dahan-dahan din umano itong dadagdagan pa hanggang 50% mula sa kasalukuyang maximum passenger capacity na nasa 13% hanggang 18%.

Bilang paghahanda sa implementasyon ng dagdag pasahero ay naglagay na rin umano ng mga social distancing mark sa loob ng mga tren.

“Our railway lines are preparing for the increased capacity, initially to 30%. Ang bilin po ni Secretary Tugade, dapat po ay dahan-dahan ang pagdagdag sa kapasidad ng mga tren at siguruhing mahigpit na ipatutupad ang 7 commandments upang maprotektahan ang kalusugan ng ating mga commuter,” ayon kay DOTr Undersecretary for Railways TJ Batan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.