Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr, DPWH, MMDA: Kumusta na ang mga bike lane?

0 183

Maingay ang opening ng Laguna Lake Highway noong Oktubre 2017. Big time ang mga dumalo kasama mismo si Department of Transportation Secretary Arthur Tugade, Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Taguig Mayor noon Lani Cayetano.

Mas kilala eto bilang Circumferential Road 6 (C6) mula sa Bicutan patungong Taytay, Rizal. Ang 10.7 km highway ang unang nilagyan ng integrated bicycle lane at pedestrian walk. Pormal na binuksan ang 5.8km bicycle lane noong Pebrero 2019 sa pangunguna mismo ni DPWH Sec Mark Villar at Build, Build, Build Chairperson Anna Mae Lamentillo.

“Ganito ang magiging model ng DPWH sa mga kalye na may space. Gusto talaga namin lagyan ng pedestrian infrastructure tulad ng bike lane na ito,” deklara ni Sec Villar.

Dumating ang coronavirus at inilagay sa lockdown ang Metro Manila mula noong Marso 2020. Pagkatapos ng tatlong buwan, nagluwag ang lockdown at pinayagan nang pumasok sa trabaho ang mga mamamayan simula Hunyo 2020.

Pero dahil sa physical distancing, hanggang 15-10% lamang ang naging kapasidad ng mga pampublikong sasakyan na nagdulot ng matingin kakulangan. Dito naramdaman ang kahalagahan ng bisikleta bilang transportasyon papasok sa trabaho, at ang pangangailangan ng ligtas na bike lanes.

Agad namang naglatag ng plano ang DOTr at MMDA para magtayo ng network ng protected bike lanes sa buong Metro Manila, lalo na sa EDSA.

Pagdating ng Setyembre, meron ng bike lane network sa Manila at Quezon City. Ganoon din sa San Juan, Mandaluyong, Pasig at Paranaque.

Kasama sa ipinasang Bayanihan to Recover as One Act or Bayanihan II noong Sept 15 ay P9.5B budget ng DOTr, kasama ang para sa 644-km Metro Manila-wide bicycle lane network.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Noong Sabado bago ang Undas, binalikan natin ang bicycle lane sa C6.

Maayos ang unang parte mula Taguig Lakeshore Hall hanggang sa Taguig Pumping Station (Bgy Wawa). Sa araw na ‘to, maraming residente, bata at matanda, ang naglabasan para mag-jogging at walking sa kahabaan ng bicycle lane. Sa ating tantiya, libung siklista at pedestrian ang lumabas nang umagang yon.

Magkakahalo ang pedestrian at siklista sa bike lane kaya’t kailangan ng dagdag na ingat upang di magkasagian. Eto siguro ang dahilan kung bakit marami sa mga siklista ang hindi pumapasok sa bike lane at pinipili na lang pumadyak sa vehicle lanes kasama ang mga sasakyang de-motor.

Sa bungad ay meron ng tindahan ng mga bike accessories. At sa tapat nito ay ilang metro ng 1-2 pulgadang tubig;kailangan mag slowdown. Pagkatapos ay wala ng problema sa bike lane, maliban sa maraming taong naglalakad at tumatakbo.

Putol ang bike lane pagdating sa Taguig River, at kailangang lumabas sa vehicle lane para makapasok sa ikalawang bahagi ng C6 bike lane. Eto ang mula sa Taguig Pumping Station hanggang sa Napindan.

Sa parteng eto, baha ng tubig at putik ang sasalubong sa mga siklista hanggang sa Tipas. Kahit mountain bike ang dala ko, kailangan magdahan-dahan sa putik dahil napakadulas nito. Sa vehicle lane na lamang tuloy dumadaan ang mga siklista.

Sa unang parte, may mga traffic marshalls na nagbabantay at street sweepers sa bike lane. Meron pa silang bike repair station. Walang ganito sa parteng Pasig. At dito rin ang mga tubig at putik sa gitna ng bike lane.

Kung pagbabasehan ang kalagayan ng C6 bike lane, malaki ang papel ng mga LGU para panatilihing ligtas, malinis at kaiga-igaya ang mga bike lanes. Hindi uubra sa atin ang paglalagay ng bike lanes, at bahala na si Batman sa maintenance.

Leave A Reply

Your email address will not be published.