Abante Tonite
Mabilis sa Balita

DOTr hinarang mga tsuper sa taas-pasahe

0 160

Inihayag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur Tugade na hindi magkakaroon ng taas-pasahe sa mga pampasaherong jeep sa bansa.

Ito ang naging tugon ni Tugade matapos maghain ng petisyon ang ibat-ibang transport group para sa P3 dagdag-pasahe mula sa kasalukuyang P9. 00 minimum fare.

Ayon kay Tugade, marami ang maaaring maapektuhan kung papayagan niya ang dagdag-pasahe at kung ibibigay umano ang hiling ng mga transport group, ang mga ito lamang ang makikinabang habang magdurusa naman ang maraming mananakay.

SM food to go Banner Ad

Aniya, sa halip na dagdag-pasahe, posibleng payagan ang pagpapatuloy ng Pantawid Pasada Program kung saan may subsidiya na ibinibigay sa mga tsuper at operator.

Sa programang ito, nagbibigay ang gobyerno ng fuel subsidy card na malaki ang tulong sa pang-araw-araw na gastos sa diesel at gasolina ng mga tsuper.

Una nang inihayag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na posibleng umabot sa P1.26 ang maging minimum fare hike para sa mga pampublikong sasakyan base sa kanilang pagkalkula o kompyutasyon.

Pero humahanap na umano ng paraan at pinag-aaralan na rin ng ahensiya ang nasabing panukala ng public transport group at kung paano sila matutulungan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.